Tuesday, August 28, 2012

MGSLRNBPKY + AEIOU Lesson Plan

Continuation of Tembong Mandarambong Lesson Plan

Level: Pre-School/Kindergarten/Grade One
Subject: MGSLRNBPKY + AEIOU Words (Filipino)
Story: Tembong Mandarambong

I. Layunin

A. Basic Group

1. Mabasa ang mga salitang binubuo ng mga letrang mgslrnbpky + aeiou
2. Mapagtapat-tapat ang mga magkakaugnay na salitang binubuo ng mgslrnbpky + aeiou
3. Mabuo ang salita mula sa mga letra upang malaman kung ano ang nasa larawan
4. Maibigay ang tamang salita na pinahuhulaan sa larong "Sumuko"

B. Average Group

1. Mapagsunud-sunod ang mga pangungusap upang mabuo ang isang maikling kuwento at masagot ang mga tanong tungkol sa kuwento
2. Makabuo ng pangungusap mula sa larawan
3. Makapagsanay sa pag-intindi ng pangungusap
4. Makpagbasa ng maikling kuwento at masagot ang mga tanong dito.

C. Fast Group

1. Makabuo ng maikling kwento mula sa larawan
2. Maibigay ang kabaligtaran ng mga salita mula sa kahon at magamit ito sa mga pangungusap
3. Mapunan ng mga pangungusap at mga salita upang mabuo ang ideya ng isang maikling kuwento at masagot ang mga tanong tungkol dito.

II. Paksa at Kagamitan

A. Paksa:  Mga salitang binubuo ng letrang mgslrnbpky + aeiou

B. Kagamitan:
1. Worksheets
2. Sumuko cards
3. Story card rings
4. Plastic eggs
5. Story chart
6. Flashcards

III. Pamamaraan

A. Basic Group

1. Oral Work (Sumuko cards)
Magpapahula ng isang salita.  Hahatiin ang mga pangkat sa dalawang grupo.  Magbibigay ang guro ng clues at huhulaan ng mga mag-aaral ang mga letra para mabuo ang salita.

2. Seatwork 1
Pagtapat tapatin ang mga magkakaugnay na salita mula sa Hanay A papuntang Hanay B.

3. Seatwork 2
Ayusin ang mga letra para mabuo ang salitang naaangkop sa larawan.

B. Average Group

1. Seatwork 1
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at pagsunud-sunorin ang mga ito.  Ilagay ang bilang na isa hanggang anim upang makabuo ng isang maikling kwento.

2. Seatwork 2
Mula sa larawan, gumawa ng mga pangungusap.

3. Oral Work
Maghagis ng itlog sa isang basket.  Kung ano ang nalusutan ng itlog, kukuha ng card dito at babasahin ang mga nakasulat dito.

C. Fast Group

A. Seatwork 1
Gamit ang larawan, gumawa ng isang nakakatuwang kwento.

B. Oral Work
Mayroong isang di nabuong kwento, kailangang kumpletuhin ito sa pamamagitan ng pagbili ng naaangkop na salita sa "Tindahan ni Titser" na chart.  Pagkatapos ng kwento, sasagutin ang mga katanungang nakahanda.

C. Seatwork 2
Gamitin ang mga salita sa pangungusap at hanapin sa kahon ang mga kabaliktaran nito.

 
Tembong Mandarambong Lesson Plan
Salitang Kilos Lesson Plan

No comments: