Level: Pre-school/Kindergarten/Grade 1
Subject: Reading
I. Layunin:
A. Maisip na:
1. Dapat ding isipin ang kalagayan o nararamdaman ng ibang tao sa paggawa ng isang bagay.
2. Masmabuting magkaroon ng malinis na baryo kaysa magkaroon ng marumi
3. Nakakasama sa kapwa ang pagnanakaw
4. Masarap tumulong sa kapwa
B. Mapahalagahan ang kalinisan, pagtutulungan at pagbibigayan
C. Makasagot at makagawa ng mga sumusunod na gawain:
1. Character Profile tungkol kay Tembong
2. Maisulat ang iniisip ni Tembong sa Comic Balloon
3. Maiulat ang mga pangyayari sa Newspaper Chart
4. Maikumpara ang Baryo Walis gamit ang Before and After Chart
II. Paksa at Kagamitan:
A. Paksa: Tembong Mandarambong ni Susan Dela Rosa Aragon (Adarna Publishing House)
B. Kagamitan:
1. Charts
2. Timer
3. Flashcards
4. Mga lawaran
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Paglinang ng Talasalitaan
Magsasalaysay ng isang kuwento ang guro at gagamitin ang mga salita at konseptong kailangang linawin. Gagamit rin ang guro ng context clues, larawan at drama upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang ibig ipahiwatig ng mga ito. Gagamit din ng flashcards para mabigyan ng kahulugan ang mga konsepto at salita.
a. Baryo
b. Mandarambong
c. Palasyo
d. Ubod
e. Nainggit
f. Tuktok
2. Panggayak
Magpapakita ang guro ng larawan sa mga bata. Tatawag ng mag-aaral upang ilarawan ang baryo sa larawan.
3. Tanong Panggayak
Ngayon sa ating kwento, alamin natin kung anong klaseng baryo ang Baryo Walis.
B. Pagbabasa
Babasahin ang kwento gamit ang aklat. Habang nagbabasa ay magtatanong ang guro para mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makapagbigay ng kanilang kuru-kuro sa mga pangyayari.
C. Pagtalakay sa Kwento
1. Pamamahagi ng EA Posters
a. Unang Pangkat (Character Profile) - Pupunan ang profile ng mga impormasyon tungkol sa katangian ni Tembong
b. Pangalawang Pangkat (Comic Balloon) - Isulat kung ano ang iniisip ni Tembong
c. Pangatlong Pangkat (Newspaper Chart) - Isulat sa pahayagan kung ano ang nangyari sa Baryo Walis isang gabi
d. Pang-apat na Pangkat (Before and After Chart) - Isulat at ikumpara ang mga katangian ni Tembong noon at ngayon
2. Pagtalakay
a. Anong klaseng baryo ang Baryo Walis? Ilarawan ang Baryo Walis.
b. Ano ang dahilan bakit tinawag na Baryo Walis ang baryo ni Tembong?
c. Ilarawan ang mga taong nakatira sa Baryo Walis.
d. Sino ang namumukod tangi sa lahat ng mga nakatira sa Baryo Walis?
(Presentation: Unang Pangkat)
e. Anu-ano ang mga katangian ni Tembong na kaiba sa mga taga Baryo Walis?
f. Anong katangian ni Tembong ang ayaw ninyo?
g. Bakit ayaw nyo sa ganitong katangian?
h. Ano ang kanyang hilig gawin?
i. Dahil sa pagkahilig nya sa walis, ano ang kanyang naisip isang araw?
(Presentation: Pangalawang Pangkat)
j. Itinuloy ba ni Tembong ang kanyang iniisip?
k. Kailan nya ito isinagawa?
l. Nagtagumpay ba si Tembong sa kanyang pagnanakaw sa walis?
(Presentation: Pangatlong Pangkat)
m. Pagkatapos ng kanyang pagnanakaw, ano ang sumunod na ginawa?
n. Saang lugar sya pumunta?
o. Ano ang ginawa nya sa bundok?
p. Nagtagumpay ba sya sa paggawa ng palasyong walis?
q. Dahil dito, ano ang naramdaman nya?
r. Ano naman ang nangyari sa baryo nung wala na ang mga walis?
(Presentation: Ikaapat na Pangkat)
s. Nang makita ni Tembong ang kanyang baryo, ano ang kanyang naramdaman?
t. Ano ang dahilan at sya ay nalungkot at nagsisi?
u. Kung kayo si Tembong, kukunin nyo rin ba ang mga walis? Bakit?
v. Ano ang mararamdaman nyo kung kayo naman ang ninakawan ni Tembong?
w. Sa tingin nyo ba tama ang ginawa ni Tembong? Bakit?
x. Kung ang kaibigan nyo ay may magandang laruan, kukunin nyo ba ito katulad nang ginawa ni Tembong sa mga walis? Bakit?
y. Ano ang mararamdaman nyo kung kayo ang kinuhanan ng gamit?
z. Sa tingin nyo, kung kayo ang kumuha ng gamit ng ibang tao, sasaya ba kayo?
Verb Lesson Plan for Tembong Mandarambong
MGSLRNBPKY + AEIOU Lesson Plan
No comments:
Post a Comment