Continuation of Tembong Mandarambong Lesson Plan
Level: Pre-school/Kindergarten/Grade One
Subject: Verbs (Salitang Kilos)
Story: Si Tembong Mandarambong
I. Layunin
A. Magamit ang mga salitang kilos sa pagpapahayag ng mga gawain
B. Makagawa ng isang maikling usapan gamit ang mga salitang kilos
II. Paksa
Babasahin ang mga sumusunod pangungusap na may larawan sa pisara:
Mga Gawain ni Tembong Mandarambong
1. Si Tembong ay nagtitinda ng walis.
2. Bumili ang isang tagabaryo ng walis kay Tembong.
3. Ang lahat ng mga tagabaryo ay naglilinis ng kanilang bakuran.
4. Ang kalat ay winalis ni Tembong.
III. Pamamaraan
A. Paglalahad
1. Isasagawa lahat ng mga salitang may salungguhit.
B. Talakayan
1. Ano ang ginagawa ni Tembong sa walis? Paano nagkaron ng walis ang mga taga-baryo? Ano ang ginagawa ng mga taga-baryo gamit ang walis? Ano ang ginawa ni Tembong sa kalat?
2. Ano ang napansin nyo habang sila ay gumagawa? Sila ba ay nakahinto o gumagalaw? Kapag sinabing sila ay gumagalaw, sila ay kumikilos. Ang tawag sa mga salitang may salungguhit ay mga Salitang Kilos.
C. Pagsasanay
Bibigyan ang mga mag-aaral ng gawain. Kailangang mapunan ang mga patlang ng mga Salitang Kilos na naaangkop sa mga larawan. Pagkatapos ay iuulat sa klase habang ginagawa ang tinutukoy ng Salitang Kilos.
D. Assimilation
1. Game: Charades
Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Ang unang pangkat ay bubunot ng mga Salitang Kilos at kanilang isasagawa ito. Ang ikalawang pangkat naman ay huhulaan kung anong kilos ang pinapahulaan at pagkatapos ay gagamitin sa pangungusap ang nahulaang mga Salitang Kilos:
a. Sumasayaw
b. Kumakanta
c. Lumalangoy
d. Nagsusuklay
e. Naliligo
f. Tumalon
g. Kumakaway
h. Maglalaba
i. Aakyat
j. Umaakyat
Lesson Plan for Tembong Mandarambong
MGSLRNBPKY + AEIOU Words Lesson Plan
No comments:
Post a Comment